MANDATORY ROTC SA SENIOR HS

SIDEBAR

Pasado na sa House of Representatives ang House Bill 8961 na muling bubuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga kabataang naka-enroll sa Grade 11 at 12 na tinatawag ding Senior High School.

Kasing-edad rin ng mga Grade 11 at 12 ang mga dating estudyante sa first at second year college kung saan mandatory ang ROTC sa apat na semester sa ilalim ng subjects na Military Science (MS) 11 and 12 para sa freshmen at MS 21 at 22 sa sophomore.

Basic military training ang sakop ng MS 11-22 kaya mga non-commissioned officer rank (may ranggong sarhento) ang ibinibigay sa mga nagtatapos nito. Para sa mga gustong maging commissioned officer (may ranggong tinyente), may advance ROTC na puwede nilang kunin pagkatapos ng Basic ROTC.

Masama ang na¬ging konotasyon ng ROTC noong panahon ng Batas Militar dahil sinasabi ng mga ak-tibista sa mga uni¬bersidad na instrumento ito ng Rehimeng Marcos para gawing pasista ang kaisipan ng mga kadete ng ROTC.

At dahil naging instrumento ang ROTC ng diktadurang Marcos, binuwag ang ROTC bilang mandatory subject sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Cory at kahalili nito ang civic action gaya ng pagtatanim ng puno at paglilinis ng mga kagubatan at karagatan.

Pero dahil na rin sa pangangailangan na magkaroon ng isang “citizen army” na handang lumaban sa-kaling may mga lulusob na mananakop sa bansa (gaya ng China halimbawa), muling binuhay ang man-datory ROTC na mukhang makakapasa rin sa Senado.

Sa mga bansang gaya ng South Korea at Singapore, National Service ang tawag sa ROTC pero mas ma-higpit ang basic training dito na tumatagal ng dalawang taon. Ito’y dahil na rin sa banta sa kanilang se-guridad – North Korea laban sa South Korea; Malaysia laban sa Singapore.

Kasama sa basic training ang tatlong buwan na live-in training sa mga kampo na malayo sa syudad kung saan tuturuan silang humawak at gumamit ng mga baril at ang aktwal na combat exercise.

Pagkatapos ng basic training ay bibigyan sila ng assignments sa mga kampo na kabilang sa dalawang taong national service gaya ng nangyayari sa Singapore. Libre rin ang lahat ng uniporme at equipment ng mga nasa NS at may monthly allowance pa ang mga ito na katumbas ng P25,000.

Mayamang mga bansa ang Singapore at South Korea kaya hindi kayang gawin dito sa Pilipinas ang na-tional service na libre lahat ng gamit ng mga kadete at may monthly allowance pa mula sa gobyerno.

Kung libre siguro ang ROTC at may buwanang suweldo pa mula sa Department of National Defense ay malamang na hindi na mag¬rereklamo ang mga militanteng kongresista gaya nina ACT Teachers Repre-sentatives Antonio Tinio at France Castro na tutol sa pagpasa ng H.B. 8961.

Ito ang posisyon ng ACT pasty-list group: “Institutionalizing the mandatory ROTC in senior high schools will be another tool of the Duterte administration to repress students rights, open the gates for the militarization of schools and more aggressive attacks against critics of the regime among the youth.

“Institutionalizing mandatory ROTC will never instill patriotism among the youth.”

Dahil pasado na sa mababang kapulungan ang Mandatory ROTC Bill, Senado na lang ang hinihintay pa-ra magpasa ng katulad na panukalang batas at kung magkakagayon ay magkakaroon ng bicameral con-ference committee na magsasapinal ng bersyon ng batas. Sigurado namang lalagdaan ito ni Pangulong Duterte na pabor sa ROTC.

Abangan… (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment