MGA ABOGADO NG MGA PETITIONER SA WRIT OF KALIKASAN LABAN SA DENR ET AL, PUMALPAK

PRO HAC VICE

Hayan kasi hindi pulido ang pagkagawa ng rekisitos nabutata tuloy sa kanilang laban sa Kataas-taasang Hukuman.

At baka kastiguhin pa ng Kataas-taasang Hukuman itong si Atty. Jose Ferdinand Diokno at itong si Atty. Adrien Palacios bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines dahil sa mistulang panloloko nila sa korte ng palabasin nila na ang lahat na nakapirmang mangingisda sa petisyon ng abogado et al vs Department of Environment and Natural Resources (DENR) et al ay kanilang nakapanayam at alam ang naturang petisyon gayung hindi naman pala.

Lumabas kasi sa presentasyon ni Solicitor General Jose Calida noong July 9, 2019 sa ikalawang araw ng oral argument sa abogado et al vs DENR et al. Kaugnay sa petition for continuing mandamus at writ of kalikasan sa usapin ng West Philippine Sea na hindi pala alam ng karamihan sa mga mangingisda na nakapangalan bilang petitioner na mayroon silang inihaing petition sa Kataas-taasang Hukuman laban sa pamahalaan.

Lumalabas sa presentasyon ni Solgen Calida na mayroon itong hawak bilang ebidensya na mga sinum­paang salaysay.

Ng mahigit sa kalahating nakapangalang petitioner o 19 na mga mangingisda ang hindi alam at hindi rin sang-ayon sa nasabing petition na inihain ng IBP at ni Atty. Jose Ferdinand “Chel” Diokno para sa kanilang panig.

Ito’y bukod pa roon sa mga nakapangalang ma­ngingisda sa petition na wala namang kaukulang mga identification card.

Hay naku!! Ano na ba ang nangyari sa pamunuan ng IBP? Nakadalawa na kayo ha?

‘Yung una kay Bikoy? Tapos itong sa mga ma­ngingisda?

Ayusin naman ninyo para maniwala ang publiko sa pagbanat ninyo sa gobyerno! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

96

Related posts

Leave a Comment