MGA BAGONG BAYANI NG PANAHON

Sa Ganang Akin

SA maraming parte ng mundo ay tila COVID-19 ang pangunahing ­usapin at laman ng balita. ­Maging dito sa Pilipinas, wala nang ibang ibinabalita kundi mga impormasyon at balitang ukol sa pandemyang ito. Maitutu­ring na isang matinding dagok ito hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Hindi lamang ang mga tao sa Luzon ang ­nakararanas ng kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community lockdown. Ito kasi ang  natukoy na mabisang hakbang upang mabilis na mapigil ang pagkalat ng nasabing virus.

Bunsod nang mabilis na pagkalat ng COVID-19, napakara­ming mga health worker at health ­professional sa iba’t ibang parte ng mundo ang ­humihingi ng tulong sa taumbayab. Iisa ang kanilang pakiusap – ang manatili sa bahay ang mga tao at ­iwasang lumabas kung ­hindi naman kinakailangan.

Nais kong magbigay pugay sa mga doktor, nars, at iba pang mga health worker na patuloy na ­pumapasok sa mga ­ospital upang makapagbigay ng serbisyong medikal. Sa ganitong panahon ay lalo kong ­ipinagmamalaki ang maging ama ng isang ­doktor.

Kasama rin sa dapat bigyan ng pagkilala sa panahong ito ay ang serbisyo ng industriya ng pagkain pati na rin ang mga taong nagpapanatili ng seguridad ng bawat isa gaya ng mga security guard, pulis, at militar.

Sa lokal na pamahalaan naman ay tila ­nabihag na ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kalooban ng marami. Kahit hindi Pasigueno ay nagpapahatid ng paghanga at pagsuporta sa kanya dahil sa napakahusay na pangangasiwa niya sa Pasig ngayong panahon ng quarantine. Kagaya ng hakbang ng bise ­presidente at ng Department of ­Transportation, nagbigay din siya ng shuttle service para sa mga health worker na naninirahan sa Pasig. Kasama kasi sa enhanced community quarantine ang pagsuspinde ng serbisyo ng mga pampublikong sasakyan kaya’t marami ang wala nang masakyan at naglalakad na lamang makapasok lamang sa trabaho.

Nagtutulong-tulong ang iba’t ibang sektor ng ­pamahalaan upang ­matulungan ang mga ­apektado ng quarantine. Kasama rito ang Department of Energy sa pamununo ni Secretary Alfonso Cusi. ­Suportado ito ng ­Meralco kaya’t upang masigurong hindi maaantala ang serbisyo ng ­kuryente, ­binibigyan nito ang mga customer ng 30 araw na palugit mula sa due date ng mga bill nito mula ika-1 ng ­Marso hanggang ika-14 ng Abril at ipinagpapaliban din ng M­eralco ang mga ­scheduled maintenance maliban na lamang kung talagang kailangan.

Maging ang mga pinuno sa pribadong sektor ay tumutulong din sa mga mamamayan na ­naapektuhan ng ­pandemyang ito, simula sa kanilang mga empleyado. Nag-anunsyo si Chariman Manuel V. ­Pangilinan sa kanyang mga ­empleyado mula sa PLDT, Smart, at Meralco ukol sa ­maagang pagbibigay ng 13th month bonus ng mga ito. ­Padadalhan din sila ng supply ng ­vitamin C upang masigurong may sapat na kakayanan at maayos na kalusugan ang mga ito ngayong ­ipinapatupad ang enhanced ­community ­quarantine sa Luzon. ­Bukod dito ay tutulong din ang Metro ­Pacific ­Investments Corporation (MPIC) sa pagdaragdag ng supply ng alcohol sa pamamagitan ng paunang supply ng 4,000 litro nito mula sa Roxas Holdings para sa mga ospital na pag-aari ng estado.

Napakalaking bagay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng ating ­lipunan sa paglaban natin sa pandemyang ito. Kung lahat tayo ay susunod sa ­pamahalaan, magiging mas mabilis ang ­pagsupil natin sa COVID-19. ­Patuloy tayong manalig sa Panginoon. Ayon nga sa Jeremiah 30:17, “For I will restore Health to you and heal you of your wounds, says the Lord.”

Related posts

Leave a Comment