MGA PHILHEALTH OFFICIAL MAG-ON LEAVE NA!!!

“KUNG talagang walang itinatagong lihim ay maari na silang mabakasyon”.

“They know who they are. If they are not hiding anything, they can take a leave of absence to enable the investigators/auditors to freely complete their inquiry or examination.”

Iyan mismo ang naging pananaw ni Departement of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na siyang dapat gawin ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Company o PhilHealth na sinasabing sangkot sa anomalya ng paglustay sa pondo ng ahensiya.

Siguro naman, kung walang usok walang apoy!

Kaya kayong mga nakaka-alam na may pananagutan at alam ninyo mismo ang mga ginagawa ng tinaguriang mafia sa loob ng PhilHealth, mas mainam na maging state witness na lang kayo tutal

handa naman kayong kupkupin ng witness protection program (WPP) ng DOJ.

Marahil alam ninyo rin na ang binuong Task Force PhilHealth ng Pamahalaan ay mayroong kapangyarihan na magsuspinde o kaya ay magtanggal ng mga mapapatunayan nilang sangkot sa

katiwalian o kurapsyon sa pamamahala sa PhilHealth. Kaya mas mainam na ang maging state witness kaysa kulungan ang inyong kasasadlakan.

Mahiya naman kayo. Pera ng taong bayan iyon na ipinambili ninyo ng layaw ng inyong pamilya?! Kayo rin baka makarma kayo at isukli sa inyo ng mga katiwala ng Diyos ay puro pasakit gaya ng

cancer. Kagaya na lamang nang nangyari sa inyong kasamahan na umamin na mayroon siyang lymphoma ba yon??

                                                                                                                                                                 oOo

Maiba naman tayo, kayo ba ay naniniwala sa paliwanag ng opisyal ng Globe Telecommunications?

Ang sabi niya, kaya raw matagal o mabagal na naisasagawa yung improvement sa kanilang system ay dahil sa mga permit na hindi raw kaagad inilalabas ng mga Local Government Unit (LGU)?!

Kagaguhan yon!! Eh talaga namang palpak ang inyong mga signal at connection dahil pumasok ka nga lang ng building eh nawawala na kaagad ang serbisyo ninyo!! Pagkatapos isinisisi ninyo

ngayon sa mga LGU?! kaya ganyan kahina ang signal ninyo!!

Kailangan talaga dyan Mr. President ay i-take over na ng pamahalaan yang mga namumunining mga telephone companies na mga yan! Pinapalusutan ka lang ng mga yan Pangulong Mayor.

Biro nyo naman ang laki-laki ng monthly bills natin sa kanila pero yung serbisyo na hinahanap natin na dapat nilang ibigay eh kulang o di sapat sa ating inaasahan!! Sabi nga ng mga welgista,

Sobra na! tama na! Kaya i-take over na ang mga yan!!

 

34

Related posts

Leave a Comment