MGA TAUHAN NG EMBAHADA SA KUWAIT, SIPAIN NA

AKO OFW

Deployment ban nga ba ang solusyon para matigil na ang pang-aabuso sa mga HSW?

Sa aking pananaw ay hindi lamang ito ang dapat na maging aksyon ng ating gobyerno. Sapagkat, naniniwala ako na ang korapsyon sa loob ng embhada ng Kuwait ay isa sa dahilan sa pagwawalang  bahala at pang-aabuso ng mga Arabo sa dangal at dignidad ng ating kaawa-awang mga Household Service Workers.

Subukin po ninyong magtanong sa ilang mga Kuwaiti kung bakit patuloy pa rin ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga kasambahay at magugulat kayo sa kanilang mga tugon na ang problema ay hindi ang batas kundi ang opisyales ng ating  embahada sa Kuwait.

Hindi umano takot ang mga Kuwaiti sa anomang kaso na isasampa laban sa kanila dahil madali naman nilang naareglo ang ilang opisyales at abogado ng Embahada.

Kung kaya, ang AKOOFW ay nanawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin na kung maari ay magsagawa ng pag-recall ng mga opis¬yales ng Philippine Embassy sa Kuwait lalo na yung mga matagal na sa kanilang destino o assignment.

Sa totoo lang, malimit ang mga dumarating na bagong opisyal sa embahada na nagmumula sa DFA sa Manila ay mga matitino at disente, ngunit sa sandali na magsimula na silang manungkulan ang mga datihang tauhan na beterano na sa kagawian ng kurapsyon sa Kuwait ang siyang nag-iimpluwensya sa mga baguhan. Katunayan, may isang baguhan na diplomat na hindi nila mapasunod sa korapsyon nila kung kaya ang ginawa nila ay hinarass at tinakot para lamang umalis sa Kuwait.

Isa nga sa ginawang pananakot ay ang patraydor na pagbugbog sa isang baguhang ATN Officer at ang paglalagay ng takip na kahoy sa tambutso ng isa ring diplomat para masunog ang kanyang kotse.

Ganito kumilos ang halos parang sindikato na sa Philippine Embassy na kung hindi lilinisin nang tuluyan ang korapsyon ay mananatiling talo ang mga OFW.

oOo

Ang AKO OFW ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga OFW. Ipadala po lamang ang inyong mga  sumbong o reklamo sa aking email sa ako.ofw@yahoo.com

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Reply to Jeny Cancel reply