NASA ‘EPICENTER’ NA NAMAN ANG QC

0
KAPIT LANG Ni MATEO MAGHIRANG

PANSAMANTALANG na hinto ang ngitngit, galit, pagkadismaya at pagka-bwisit ng mga taga-Quezon City sa mga opisyales ng kanilang City Hall bagaman nanana tiling ang lungsod pa rin ang may pinakamaraming bilang ng mga nabiktima ng COVID-19.

Siguro naging abala lang din ang mga residente sa kani-kanilang kabuhayan at sinamantala ang general community quarantine o GCQ para makabawi sa mga nawala sa kanila noong total lockdown.

Maaaring ang iba naman ay tumahimik muna at nakisimpatya kay Mayor Joy Belmonte maging sa iba pa nilang konsehal sa lungsod na napasama na rin sa talaan nang mga tinamaan ng COVID-19 na awa ng Panginoon ay agad din namang gumaling.

Sa nakalipas na halos isang buwan ay nakahinga ng maluwag sina Mayor Belmonte sa mga batikos kahit pa sabihing hindi pa rin nawawala ang QC sa pagiging ‘epicenter’ ng COVID-19 sa buong bansa.

Pero hindi talaga nagsasawa ang QC sa pagiging ‘epicenter’ ng COVID-19. Hindi lang sa mataas na datos ng mga nahawahan ng sakit kundi maging sa pagiging ‘epicenter’ ng kontrobersiya at kapalpakan ng kanilang mga local executives.

Siguro ay mana-mana lang ika nga. Follow the leader kumbaga. Sabi nga nila, nakakahawa ang pagiging tanga!

Kung palpak si Mayora malamang ay 100 porsiyento rin na palpak ang mga tauhan niya? Tama ba ako Ginoong Rannie Ludovica na pinuno ng QC Task Force Disiplina?

Isip-isipin ninyo na magpost sa kaniyang Facebook account ang gunggong na ito na ‘i-shoot to kill’ o pagbabarilin na lang daw ang lalabag sa modified enhanced community quarantine o MECQ na ipinag-utos na ipatupad ng Pangulo.

Ang mga ganitong uri ng opisyal ng gobyerno ang totoong nakakasira sa kampanya laban sa pandemya. Hindi sila nakakatulong kundi nakakapagpabigat pa.

Naturingan pang hepe ng TF Disiplina si Ludovica pero sa inasal niya at pag-post sa social media ng pananakot ay klarong siya ang walang disiplina.

Dapat ay sibakin ito sa pwesto tutal naman at halatang accommodation lang kung bakit ito binigyan ng posisyon sa administrasyon ni Mayor Belmonte. Para huwag mawala sa limelight sa City Hall at sa QC ay binigyan siya ng portfolio.

Kahit pa sabihing huwag seryosohin ang FB post ng Ludovica na ito ay hindi tama para sa isang opisyal ng gobyerno ang magsalita ng ganito. Hindi ba siya rin ang nagsabi sa mga taga-Everlasting

Street sa Barangay Holy Spirit na “dapat sa inyo ay patayin” noong tumaas ang bilang ng nahawahan ng COVID-19 doon sa lugar.

Yun ang problema sa nabibigyan ng kapangyarihan. Masyado lumalaki ang ulo, nagiging mayabang at nagiging corrupt ang utak pati na ang pag-uugali. Sana mawala sa ating lipunan ang mga ganitong scenario.

Ang pagtatrabaho sa g obyerno ay isang obligasyon at prebilehiyo. Wala silang karapatan na yurakan, maliitin at laiitin ang maliliit na mamamayan. Lalo pa nga yung mga nagkakasakit dahil sa

pandemyang ating pinagdadaanan.

Nakakagalit pero kapit lang.

Related posts

Leave a Comment