OFW HOSPITAL, BUBUKSAN NA SA MARSO

Aksyon OFW

MGA ka-Saksi, magandang araw at mag-ingat po tayo sa COVID-19.

Excited na ako na masaksihan ang pagbubukas ng kauna-unahang OFW hospital na itinatayo sa City of San Fernando, Pampanga na magsisilbing pagamutan ng lahat ng OFWs at kanilang mga pamilya.

Sa anunsyo ni AKOOFW chairman Dok Chie Umandap, inaasahang sa Marso ngayon taon maaaring buksan at mapakikinabangan na ng mga OFW ang nasabing modernong hospital na pangangasiwaan ng Philippine General Hospital.

Sinabi ni Dok Chie na hindi rito nagtatapos ang ­ating adbokasiya sa panawagan sa OFW Hospital.

“Ipagpapatuloy pa ng AKOOFW ang panawagan sa pagkakaroon ng OFW Hospital ward sa lahat ng Regional at Provincial Hospital upang sa ganoon ay hindi na kinakailangan na magpunta pa sa Pampanga ang mga OFW na nagmumula sa malalayong ­probinsiya para magpagamot,” dagdag ni Dok Chie.

Taong 2015 pa nang sinimulan ng AKOOFW ang panawagan sa pagtatayo ng OFW Hospital.

Kaya naman ang AKO­OFW ay lubusang nagpapasalamat kay ­Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang malasakit at pagmamahal sa ating mga bagong bayani.

Sakaling manalo sa 2022 eleksyon, sinabi ni Dok Chie na tututukan niya na maisabatas ang pagkakaroon ng OFW hospital wards sa lahat ng regional at provincial hospital sa bansa.

***

Good news mula sa POLO-OWWA Riyadh!

Maswerte si kabayani Gemma Caunca na hindi sumakay sa tatlong repatriation flight noong December 2021, kahit mayroon na siyang exit visa.

Sinabi ni kabayaning Gemma na mayroon daw pera ang amo niya at magbabayad daw ito ‘pag natalo sa kaso.

Nanalo sa kaso ang kababayan natin at nagbayad naman kaagad ang kanyang employer.

Mismong ang employer pa ni kabayaning Gemma ang nagdala sa POLO ng halagang 19,200 SAR.

Nitong January 15, 2022, nakabalik na sa Pilipinas si ate Gemma.

Mabuhay ang mga OFW at saludo ako sa mga ­sakripisyo ng mga bagong bayani sa buong mundo!!

Para sa inyong mga komento, suhestyon at reaksyon, ipadala lang sa aking email–dzrh21@gmail.com.

Related posts

Leave a Comment