OFW NAMATAY SA SOBRANG STRESS, PAGOD SA KUWAIT

Aksyon OFW
0

MAGANDANG araw mga Kabayani, bago ko simulan ang aking paksa sa kolum na ito ni OWWA Board of Trustee Dr. Chie Umandap. Hayaan n’yo po akong magpakilala muna sa ating ­masugid na readers.

Ako po si Florante Rosales, dating News Anchor at Executive Producer sa MBC-DZRH. Nagsilbi rin po akong Host sa ­programang Aksyon Bantay OFW at Operation Tulong sa nasabing himpilan.

Napamahal at napa­lapit sa puso ko ang mga OFW dahil ang ­aking mismong mga ­kapamilya, mga kaibigan at mga kamag-aral noong High School ay nagtatrabaho sa ibang bansa na malayo sa kanilang mga pamilya.

Nang nasa radyo pa ako, kaliwa’t-kanan ang mga impormasyon na ­aking natatanggap mula sa iba’t ibang OFW organizations sa abroad na humihingi ng agarang tulong sa mga ahensya ng gobyerno dahil sa hindi pinalad na mga kabayani natin ang nabiktima ng mapang-abusong mga amo, ginahasa, sinasaktan, pinapaso ng plantsa at kadalasan namamatay.

Nakakadurog ng puso na malaman ang masaklap na kapalaran ng ilang Kabayani natin sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan, kaya naman inaalay namin ni Dr. Chie ang kolum na ito para sa inyong mga sumbong, reklamo at mahahalagang impormasyon upang ­aming aksyunan ang mga ito “as soon as possible” at sa abot ng aming makakaya. Muling eere ang AKO OFW program sa Facebook para sa pagtugon sa mga Kabayani nating may problema sa ibang bansa.

Nakatanggap po ang AKO OFW Inc. ng impormasyon sa messenger para sa isang Kabayani natin na namatay dahil sa sobrang pagod at stress sa pagtatrabaho sa ­Mangaf, Kuwait.

Ayon sa mensahe, humihingi ng tulong ang kaibigan ni OFW ­Marieta Gapuz, 56-anyos, na namatay matapos mag-collapse at mauntog ang ulo n’ya sa matigas na bagay dahil sa sobrang pagod at stress nito sa mga gawain sa bahay ng kanyang amo.

Si OFW Marieta ay kasalukuyang nasa mor­gue ng isang hospital sa Kuwait habang hinihintay ang tulong ng pamahalaang Duterte dahil walang pera ang kanyang pamilya.

Ipinagbigay-alam na po ng AKO OFW ang kaso ni Marieta kay Labor ­Attaché Nasser Mustafa para sa agarang aksyon at pagpapauwi sa bansa ng kanyang bangkay.

Umaasa naman ang kanyang pamilya na maiuwi ang bangkay ni OFW Marieta sa bansa bago sumapit ang Pasko.

Hanggang sa susunod na pagtugon at aksyon sa mga hinaing ng ating mga Kabayaning OFW.

Para sa inyong, komentaryo, suhestyon at opinyon, ipadala lang ito sa aking email address, dzrh21@yahoo.com.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment