PAGLIPAT NG BULACAN INMATES SA DRT REFORMATION CENTER

HAGUPIT NI BATUIGAS

BULACAN – Sa isang pagtitipon ng Bulacan Press ay ipinahayag ni Go­bernador Daniel Fernando ang paglipat ng Bulacan inmates sa DRT Reformation Center.

Ayon sa datos ng Bulacan Provincial Jail umaabot na sa 4,500 ang inmates sa loob ng Provincial Jail na kung saan 80% ay may kasong droga.

Kung kaya’t isinusulong ng masipag na gobernador ng Bulacan, Gobernador Daniel Fernando sa pamamagitan ng ordinansa, request at mga dokumento sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang dating Gov. Willy Alvarado na inilatag nila sa BJMP national at kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan na agad ng solus­yon na ilipat ang provincial jail sa DRT Reformation Center.

Sa DRT Reformation Center ay maaaring magtanim ng gulay ang inmates at mag-alaga ng mga hayop dahil isang malaking-malaking lote doon. ‘Pag nandoon na ang inmates ay magiging online na lang ang kanilang hearing.

Ang sabi ng butihing gobernador ay kailangang mailipat na talaga ang inmates dahil nagkakasakit na sila sa dami nila sa loob. “Although nagkasala sila hindi naman natin sila pwedeng pabayaan dahil tao din sila kailangang makatao tayo”.

Dagdag pa ng Punong Lalawigan ng Bulacan na dapat ding alagaan at tugunan ang mga pangangailangan ng inmates kahit pa nagkasala pa sila at dapat arugain din sila kasi nagkasala sila ng hindi nila inaasahan.

Sumusuporta at nakiki­pag-isa rin ang Regional Director ng PNP Region 3, PBrigGen Joel Napoleon M. Coronel sa magandang prog­rama at layuning ito ng gobernador ng Bulacan.

Magandang balita ito para sa mga preso at sa kani-kanilang pamilya na mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na kulungan lalo na sa mga nagkasala sa droga.

Humahanga kami sa pagi­ging makatao at tunay na malasakit ng gobernador sa kanyang nasasakupan at hindi lang sa kanyang nasasakupan ma­ging sa lahat ng mga tao. Saludo kami sa iyo, sir, sana lahat ng mga nanunungkulan ay may puso at makataong katulad mo. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment