PAGSASAPRIBADO NG NEGOSYO NG ELECTRICITY TRANSMISSION: MORE HARM THAN GOOD

HINDI lamang banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas ang dulot nang pagsasapribado ng negosyo ng electricity transmission kung hindi  sa posisyon ng pananalapi ng pamahalaan para sa pagbabayad ng pagkakautang nito sa panlabas.

Ang tagapangasiwa at pagmamay-ari ng ­transmission grid ay nakaatas sa isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) at ito ang National Transmission Corporation o TRANSCO.

Sa kasalukuyan, ang pag mamay- ari nito, para sa kaalaman ng marami, ay nananatili sa pamahalaan o sa taumbayan. Ngunit makikita natin na ang pakinabang nito ay nawala sa taumbayan at ipinasa lamang sa iilang mga ­negosyante na mabibilang natin sa daliri ng ating isang kamay.

Bago pa isapribado ang operasyon ng TransCo , ito ay kumikita, bayad lahat ang mga pagkakautang at ito ay pinapatakbo ng Pinoy engineers sa isang operating system na pinili ng mga ito.

Noong 2007, ang ­negosyo ng transmission ay pina-bid sa National Grid Corporation of the ­Philippines sa halagang P168.8 bilyon para sa 25 taong operasyon nito.

Sa operasyon ng ­sampung taon (10 years) ng NGCP, ito ay kumita na ng halagang P206 ­bilyon at nakapagremit na sa ­negosyante nito ng halagang P187.84 bilyon.

Ang apatnapung ­porsiyento (40%) o P75.14 bilyon ng remittance ay napunta sa State Grid of China at ang nalalabing animnapung porsiyento (60%) o P112.7 bilyon ay napunta sa ­dalawang Filipino-Chinese na nagmamay-ari ng NGCP.

Makikita rito na sampung taon pa lang ay mas malaki na ang naibulsa ng mga ­pribadong ­negosyante kaysa sa binayaran na karapatan nito sa negosyo (P168.8 ­bilyon) na binigay sa dalawapu’t limang taon (25 years).

Ayon sa pag aaral ng mga datos sa operasyon ng TRANSCO, bago ito ­isinapribado, ay may mga cash surplus na ito.

Sa pag-tantiya, kung hindi ito isinapribado, sa  tagal na 2009-2018 ang pamahalaan ay mayroon sanang cash surplus na nagkakahalaga sa P112.7 bilyon na pinakinabangan dapat ng lahat ng mamamayang Filipino at hindi ng iilan kung saan mas nakalalamang pa ang mga dayuhan. ATTY. RED TUAZON

 

Related posts

Leave a Comment