PAGSUPORTA KAY BBM NINA ENRILE AT RAMOS IKINAGALAK

0

ANG 1986 EDSA People Power Revolution ang nagpabagsak kay ­dating Pangulong Ferdinand E.

Marcos matapos ang pagbitaw ng suporta nina ­dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at noo’y Philippine Constabulary chief, Fidel V. Ramos mula 1972 hanggang February 25, 1986.
Dinagsa ang EDSA sa harap ng Camp Aguinaldo ng iba’t ibang religious groups at maging ng mga taong nais sumuporta sa ipinaglalaban ng dalawa. Sa isang pagpupulong sa Palasyo ng Malacañang ay naging mahinahon pa rin si Pangulong Marcos at hindi pinayagan ang suhestyon ni dating AFP chief, General Fabian Ver na ­lusubin at arestuhin ang ­dalawang mataas na opisyal sa kanilang ginawang pag-aklas sa gobyerno. Ito ay tinutulan ni Marcos upang maiwasan ang madugong sagupaan na maaaring ­ikadamay ng maraming sibilyan.

Dahil na rin sa seguridad ng dating Pangulo ay inilikas ito kasama ng kanyang pamilya sa Honolulu, Hawaii imbes na sa kanyang hometown sa Sarrat, Ilocos Norte. Hanggang sa pumanaw ito noong September 28, 1989 sa edad na 72.

Poot at galit ang pinairal noon ng rehimeng Aquino nang hindi pagbigyan ang huling kahilingan ng dating lider na maiuwi at maihimlay sa Libingan ng mga Bayani hanggang sa naghintay ng tamang panahon ang pamilya Marcos.

Kailanma’y hindi nakitaan ng galit at tanging pagpapatawad ang ating nakita sa mga Marcos sa kalaban sa pulitika, at ikinagalak ng ­maraming Pilipino nang nagbigay suporta sina Enrile at dating Pangulong Ramos sa kandidatura ngayon ni Bongbong Marcos para ito’y maibalik sa Malacañang.

Pukulin man ng bato si Bongbong ng iba’t ibang alegasyon at paninira ay nananatili pa rin ang pagiging kalmado nito gaya ng kanyang ama na huwag gumanti at hayaang sila’y magsisi. Isang napakagandang aral noong panahon na iba na ngayon sa kabataan.

Bagama’t nagpahayag noong mga nakaraan si ­Pangulong Rodrigo Duterte ng hindi pagsuporta kay BBM ay nananatili pa rin ang respeto ng mga Marcos sa ating Pangulo na siyang nagbigay-pugay na karapat dapat na ilibing ang dating Pangulo sa libingan ng mga Bayani.

Naniniwala naman si Inday Sara na ang pagsuporta niya kay BBM bilang kanyang presidential team mate ay malaking tulong upang ­ipagpatuloy ang magandang ekonomiya ng bansa at paglaban sa pandemya.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment