PAKIKIISA SA DIGMA

FOR THE FLAG

ANG Filipino League of Advocates for Good ­Governance o FLAGG, na pinamumunuan ng inyong lingkod ay nananawagan sa ating mga kababayan na magkaisa sa likod ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa isang napakalaking hamon sa kanyang administrasyon. Ang hamon ay dulot ng kanyang pag-review sa kontrata ng mga water concessionaire na nadiskubre n’yang dispa­linghado, mapagsamantala, mapang-api at lubos na nagpapahirap sa ating mga kababayan.

Ang Maynilad at Manila Water, na pag-aari ng pamilyang Ayala at Manny V. Pangilinan, ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso sa kabila ng kanilang palpak na serbisyo sa pagdi-distribute ng tubig sa ating mga tahanan at establisimiyento. Pinapayagan sila ng kanilang kontrata na magtaas ng singil sa tubig anumang oras na kanilang gugustuhin. Pine-penalize rin nila ang pamahalaan ng bilyun-bilyong piso sa mga pagkakataong kailangang mangialam ito para sa kapakanan ng taumbayan. Nagsisilbing hadlang din ang mga water concessionaire na ito sa Build, Build, Build Program ng administrasyon dahil sinisingil din nila ang pamahalaan nang sobra-sobra sa mga tinatamaang tubo dahil sa malawakang konstruksyong pang-imprastraktura.

Sinisingil din ng Manila Water at Maynilad ang bawat kabahayan para sa water treatment samantalang nanatiling mabaho at nagdudulot ng pagkakasakit ang lumalabas na tubig sa ating mga gripo. Maaalalang ilang dekada ang nakararaan ay naiinom ng mga estudyante ang tubig na ‘yan sa gripo at matamis ‘yan, salungat sa nararanasan natin ngayon.

Hindi pa nagkasya ang mga mandarambong, pati ang kanilang corporate income tax ay sa mga mamamayan ipinababayad. Nilubus-lubos na ang pandodorobo, kinalimutan na ang salitang ‘hiya’!

Hindi tunay na mga negosyante ang mga Ayala at Pangilinan, sila’y mga walang konsensyang alipin ng pagka-ganid.

Ito ay deklarasyon ng pakikiisa sa digmaang kinakaharap hindi lamang ni Duterte, kundi ng bawat mamamayang Filipino na naniniwala pa na sila ang higit na makapangyayari sa bansa at hindi ang bangis ng pananamantala. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

68

Related posts

Leave a Comment