PARABULA NG MAESTRO

FOR THE FLAG

Sabihin na lang nating may isang panaginip. May tatlong taong naulinigan kong pinag-uusapan ang aking kasama, hindi maganda ang mga salitang namumutawi sa kani-kanilang mga bibig. Hindi ko naawat ang aking kasama, sinita ng kasamang maestro ang tatlong taong siya mismo ang pinag-uusapan. Aalmahan siya ng tatlo kaya buong agap na akin siyang ipinakilala. Kumalma ang tatlo. Na­kilala siya.

Umalis kami ng maestro, kasama ang isang musa. Sumakay kami ng bus pa­punta sa isang destinasyon. Nakatayo lamang kaming tatlo sa bus. Maya-maya napansin naming hindi na kumikilos ang bus, mabigat na ang trapiko. Nagdesis­yon kaming bumaba ng bus, naglakad na lamang kami ng maestro kasama ang musa. Alam ng maestro ang daan patungo sa pupuntahan. Alam niya kung papaano makakaiwas sa mabigat na trapiko sa pamamagitan ng aming mga paa.

Sabihin na lang natin na ang tatlong tao ay tatlong taong espekulasyon at pagprotekta sa naipundar na kaya nakilala, kaya nang sambitin ang ngalan niya ay kumalma. Ito ay nangyari sa kalye lamang, ang pag-uusap ng tatlong tao, ang pagkompronta, sa kalye lamang na kung tutuusin ay kung saan mismo din nagsimula ang unang pag-usbong ni maestro, sa kalye ng siyudad, sa kalye ng oportunidad. Kumalma ang tatlo na ipinagpalagay na tatlong taon, humupa sa pagkakadepensa, sa tatlong taong marami ang naging usap-usapan sa naipundar na hindi nagustuhan ng maestro kaya kanyang mi­nabuting lapitan ang tatlo at komprontahin.

Bumaba kaming tatlo mula sa bus. Kami ay nagsimulang maglakad ng may galak dahil alam ng maestro ang daan, dahil sa paglalakad din na yaon siya nagsimula, sa paglalakad tutuntunin ang pinagmulan. Masaya ang bawat hakbang, may ngiti sa labi ang maestro, nakatuon ang musa na kasabay naming naglalakad. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

 

118

Related posts

Leave a Comment