PASAKALYE SA BAGONG DISKARTE

SA mabagal na pagbaba ng mga ­kumpirmadong kaso ng mga positibo sa nakamamatay na ­COVID-19, ­paulit-ulit ang pasaring ng ­Depart­ment of Health (DOH) sa kanilang pagpapalit ng estratehiya. Ang ­dating giit na contact tracing isinantabi para bigyang daan ang mass testing.

Ganito ang himig ng departamento buwan ng Abril at Mayo ng taong 2020. Anila, hindi sapat ang face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19, kasabay ng rekomendasyon para sa pwersahang paggamit ng face shields

ng bawat Pilipino. Ang resulta – garapalang katiwalian.

Ayon sa DOH, dodoble pa ang antas ng hawaan sa Metro Manila at iba pang rehiyon kung saan may mataas na tala ng mga positibo, eksenang ‘di na anila kayang tugunan ng contact tracers.

Giit pa ng kalihim, sayang lang ang pera. Ayun! Lumabas mismo sa kanyang bibig.

Sa kanyang tinuran, nabuo ang hinala ng marami sa giit niyang malawakang mass testing sa hangaring tukuyin ang lawak ng pandemya.

Kung tutuusin, angkop naman ang mass testing. Katunayan, ito mismo ang giit ng mga dalubhasa sa kasagsagan ng pananalasa ng sakit na mula sa ­bansang Tsina. Pero sa halip na ­ikonsidera, ang panawagan ay mistulang ibinasura – anila, walang sapat na pera.

Lumipas ang 20 buwan, ganun pa rin ang eksena.

Malinaw ang pasaring ng kalihim. Kailangan na naman natin mag-angkat ng COVID-19 test kits na anila’y ­ipamamahagi sa pami-pamilya.

Sa madaling salita, kailangan ulit ng kakuntsabang korporasyong sisidlan ng panibagong komisyong posibleng ­dahilan kung bakit ayaw isuko ang posisyon.

Related posts

Leave a Comment