PAULIT-ULIT LANG

0

HINDI pa man naka­babangon sa pagkaka­lugmok na dala ng pandemya, isa na namang ­COVID-19 variant mula sa ibang bansa ang ­nagbabanta sa atin – bagay na dapat agad na tugunan ng ­gobyerno.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 500 ulit na mas mabagsik pa sa mga nagdaang ­variants ang tinatawag nilang ­Omicron na may kakayahang ibalik ang alin mang bansa sa ilalim ng pinakama­dilim na bahagi ng kasaysayan.

Bagama’t wala pa namang naitatalang kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa Pilipinas, hindi dapat magpakakampante ang Palasyo lalo pa’t bukas pa rin ang ating mga paliparan sa mga dayuhan mula sa ibang bansang ­posibleng mayroon na ring ­Omicron.

Ano nga ba ang dapat? Kung ­babalikan ang unang bahagi ng taong 2020, maaga pa nang mabatid ng pamahalaan ang pagsulpot ng nakamamatay na sakit na ipinagwalang bahala lamang sa takot na maka-apekto sa ating ekonomiya.

Sa madaling salita, nakapuslit ­papasok ng bansa ang mga kontaminadong dayuhan. Kumalat ang karamdaman, nangamatay ang maraming Pilipino at dumapang tuluyan ang ating kabuhayan.
Sa pagbaba ng bilang ng mga kumpirmadong kaso, unti-unting nagluwag ang pamahalaan sa hangaring makabangon naman ang ekonomiya.

Pero hindi pa man nakaka-arangkada, heto na naman ang babalang hudyat na kailangan nating mag-ingat. Bilang tugon ng Palasyo, agad itong naglabas ng travel ban sa mga bansang may naitalang kaso ng ­Omicron variant.

Pero teka – bakit hindi muna isara ang bansa sa pagpasok ng lahat ng dayuhan hanggang sa matiyak na ligtas nang magpapasok ng mga estranghero.
Mas mainam ang sigurado. ‘Yan ang totoo.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment