PENSION SYSTEM SA PILIPINAS, ISA SA PINAKA-ATRASADO SA MUNDO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Australia, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalalang pension system sa daigdig.

Ayon sa Melbourne Mercer Global Pension Index (MMGPI) 2019, ang a-ting retirement income protocol ay 43.7 mula sa 100. Ito ay naglagay sa ika-34 mula sa 37 na bansa na sinuri.

Para sa mga lider ng Bayan Muna na si Rep. Carlos Isagani Zarate at Chairperson Neri Colmenares, ito ay salamin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating senior citizens at mga retirado. Ito ay hudyat ng napakalaking pangangailangan upang itaas ang pension sa Pilipinas. Ang kasalukuyang pension sa Pilipinas—karaniwan ay social pension sa mahihirap na seniors at pension mula sa SSS—ay malayo sa tunay na pangangailangan ng seniors.

Sa kasalukuyan may dalawang panukalang batas na inihain ang Bayan Muna hinggil sa pension. Ito ang House Joint Resolution No 1 o ang Second Tranche of the SSS Pension Hike, napaggiit sa ating unang tagumpay na magdagdagan ng P2,000 ang pension ng mga seniors; at ang House Bill No. 241 na mag-aakyat ng social pension para sa lahat ng seniors sa halagang hindi bababa sa P1,000.

Mula 2010, wala pang ginawang pagsasaayos at pag-adjust sa karampot na P500 kada buwan na social pension na ibi-nibigay ng DSWD, kahit pa nagtaasan ang presyo ng bilihin at pamasahe dahil sa TRAIN Law. Dagdag pa rito ang mga delay bago matanggap ng mga nakatatanda ang pension, na talagang inirereklamo na ng seniors.

Ang pag-aaral na ito ay dapat nang gumising sa ating pamahalaan sa kalagayan ng ating mga nakatatanda at aksyunan ito sa lalong madaling panahon. Dapat na ito ang ma-certify as urgent ng gobyernong Duterte imbis na mga panukalang Cha-Cha at iba pang kontra-mamamayang panukalang batas na nais nilang iratsada sa Kamara. (Kakampi Mo ang Bayan /  TEDDY CASIÑO)

77

Related posts

Leave a Comment