PRESSURE NG CORRUPTION KAKAYANIN KAYA NG BAGONG TALAGANG AIRPORT CHIEF NG IMMIGRATION?

0

RELIABLE kaya ang ­napiling bagong Port Operations Division Chief ng Bureau of ­Immigration?

Ito ang malaking katanungan ngayon ng ilang mga empleyado ng BI matapos umalis sa puwesto si dating POD Chief Candy Tan at humalili naman sa kanya itong si Atty Carlos Capulong.

Pero malaking palaisipan at katunayan ay nagkaroon pa ng bulong-bulungan noon na nung nakaupo si Tan sa nabanggit na tanggapan, kahit daw bago pa lang siya noon ay gustung-gusto na nitong umalis sa pwesto.

Hindi kaya kinaya ni Tan ang pressure ng corruption mula sa mas mga nakatataas sa kaniyang mga opisyal?

Marami din pala ang nag-apply upang masungkit ang POD. Isa na rito ay itago natin sa alyas na Macho Chiquito ngunit hindi ito pinalad at mas pinili ni BI Commissioner Jaime Morente si Capulong.

Noong 2013, si Capulong ang naging hepe ng Immigration sa Clark International Airport kung saan ayon sa ating source mula sa Legal Division ay bumagsak ang remittance ng ahensya mula noong siya ang naka-upo dito? Gaano po kaya ito katotoo Sir?

Kung kaya’t ito ang pangamba ng ilang mga kawani kung bakit siya pa ang inilagay sa puwestong ito gayung kung ang isang Clark ay bumagsak ang kita ng ahensya, ngayon pa kaya na ang buong Ports sa bansa ang nasa ilalim na ng kanyang kapangyarihan at pinaka maselan sa lahat ang trabaho sa BI.

Ayon pa sa ating source, ay super bagyo daw itong padrino ni Capulong sa DOJ na kaklase pa nito sa isang kilalang unibersidad sa bansa na itatago na lang natin sa pangalang RPL.

Si RPL ay dati na rin naging acting Chief ng BI at isa sa mga pinaka makapangyarihan at matagal nang opisyal dito.

Bagama’t pinagkatiwalaan ni Morente itong si Capulong ay atin pa ring babantayan ang kanyang magiging pamamalakad sa POD at kung kanyang kukunsintihin ang kalokohan ng ilang tiwaling ­opisyales ng TCEU na tila hinahayaan na lamang ni Intelligence Chief.

Nauna nang nagbanta noong nakaraan ang hepe ng Intelligence na kung tatanggalin ni Morente ang kanyang bata sa TCEU ay kanya na ring bibitawan ang ­paghawak nito? Weh!?

Para sa inyong nais iparating na Sumbong at Reaksyon ay itext lamang ako sa 09158888410.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment