SC, DOJ COLLAB MAKAKATULONG PARA MARESOLBA ANG PAGPATAY SA MGA ABOGADO, HUKOM

0

IKINATUTUWA natin ang ginawang hakbang ng Korte Suprema upang tugunan ang patuloy na pag-atake laban sa mga miyembro ng law profession, kabilang ang 56 na miyembrong napatay mula pa noong 2016.

Ang pang-56 na nasawi ay si Atty. Winston Intong, na binaril malapit sa kanyang bahay sa Malaybalay, Bukidnon noong nakaraang linggo, isang araw matapos na makipagpulong ang Supreme Court, Department of Justice, at Integrated Bar of the Philippines sa iba pang mga stakeholders tungkol sa isyu – para talakayin ang pangangailangan ng kagyat na hakbang sa usaping ito.

Pinasasalamatan ko ang SC at DOJ sa kanilang ­pakikipagtulungan upang wakasan ang mga gawaing ito na walang parusa. Hindi natin hahayaang patagalin pa na ­malutas ang ­isyung ito. Kaya bilang ­vice-chair ng Committee on Justice sa ­Kamara, maghahain tayo ng legislative action alinsunod na rin sa SC report na ating nabasa.

Nais kong bigyang diin na kinakailangang “sumunod sa isang direksyon” ang lahat ng mga sangay ng pamahalaan sa mga hakbangin na magbigay ng isang mas ligtas na kapaligiran para sa pangangasiwa ng batas at hustisya.

Ang Kongreso ay mag-aambag din at makikipagtulungan kung anong batas ang kailangang maipasa upang masigurong ligtas ang mga kumikilos para sa pananaig ng batas, at upang magkaroon ng mas maayos na klima para sa pagtaguyod ng hustisya sa bansa.

Kinakatigan natin ang plano ng SC para hingin ang mga korte na maimbentaryo ang lahat ng nakabinbing mga lawyer-killing cases –– tagal, estado, pati na rin ang mga dahilan para maantala –– at mapabilis ang kanilang resolusyon ay magiging magandang balita para sa pamilya ng mga biktima na sumisigaw para sa hustisya.

Ayon sa DOJ, sa 56 na pamamaslang, 5 kaso lamang ang nakarating sa korte. Ang natitira naman ay walang datos mula sa mga prosecutors’ ­offices sa buong bansa, na sinasabi ng DOJ, dahil wala pang isinampang kaso.

Noong nakaraang taon, tayo ay naghain ng House Resolution No. 185 na nananawagan para sa isang malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng mga law practitioners.

Iminumungkahi rin natin sa nasabing resolusyon ang ­pagbuo ng DOJ at PNP, [na may maayos na koordinasyon sa CHR at IBP] ng isang ­special task force na ­magpapatupad ng ligal na aksyon upang ­mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng pamamaslang.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment