SENTIDO KUMON NAMAN!

SA TOTOO LANG

Viral ngayon sa social media ang video kung saan isang foreign national ang sinasabing nag-assist sa kasama nitong bata na hinihinalang anak nito habang dumudumi (pooping) sa baybayin ng Boracay Island.

Matapos na dumumi ang bata ay ang tanging ginawa lamang ng sinasabing ina nito ay tinakpan lamang ng buhangin ang naturang dumi sa Station 1.

Dahil kinunan ang insidente ay kumalat ito sa social media at humakot ng mga komento.

Nasa Municipal Ordinance Number 311 o Anti-Littering Law sa bayan ng Malay sa Aklan ang anumang uri ng pagdudumi, pagdudura, pag-iihi sa mga pampublikong mga lugar gaya ng Boracay.

Pero Dios mio naman! Sentido kumon, kailangan pa bang malaman ng mga banyaga na bawal ang ganoong uri ng mga aktibidad. Wala yata sa kanila ang salitang konsiderasyon at respeto sa kapwa.

Kung talagang walang kaalam-alam sila rito ay dapat may kusang-palo sila na alamin ang mga bawal sa lugar lalo’t hindi sila tagarito.

Nakarating na sa Department of Interior and Local Government ang video ng insidente at ayon sa panayam sa kanila ng isang news agency ang mananagot dito ay ang nanay ng bata. Dapat naman para hindi sila pamarisan ng kung sinu-sino – local o foreign nationals man sila.

Hindi yata nalalaman ng banyagang babaeng ito na sumailalim sa anim na buwan na malawakang clean-drive ang Boracay noong nakaraang taon.

Parang hindi naman tama na matapos nating linisan nang mahabang panahon ang prestihiyosong lugar ay may kung sino lang na dudumi at sisira sa ganda nito. (Sa Totoo Lang / ANN ESTERNON)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment