SIMBAHAN, PETROLYO AT SUWELDO

PRO HAC VICE

Sino bang dapat sisihin sa nangyaring bangayan sa loob ng simbahan sa Makati City, ang mga Binay o ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting?

Bakit pinahintulutan nilang maging arena ang simbahan ng Katoliko?

Catholic Bishop Conference of the Philippines anong say n’yo? Nganga?

oOo

Sa patuloy namang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa sino nga ba ang dapat managot, ang gobyerno o ang mga mapagsamantalang mga negosyante?

Kailangan pa ba na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin uli ang magmando upang maisaayos ang tila wala nang katapusang pagsirit ng presyo ng petrolyo sa bansa?

oOo

May dapat bang asahang umento ang mga empleyado ngayong Araw ng Paggawa o Labor Day?

Bakit ba kailangan pang magmartsa at mag-rally ang mga manggagawa para lamang mapansin ang kanilang hinaing gayung bukas na libro naman sa lahat ng mga employer ang kalagayan ng kanilang mga manggagawa na ‘di talaga sapat ang tinatanggap na mga suweldo ng mga ito para sa kanilang pamumuhay.

Sana lang tumanim sa isipan ng lahat ng mga employer sa bansa na ni kurot sa kanilang kayamanan ay ‘di nila ‘yun madadala sa oras na pumanaw na sila sa mundong ito.

At mas madadala nila ang mga panalangin at pagmamahal ng kanilang mga manggagawa sa kanilang paglisan sa mundo kung nabibigyan din nila ang mga ito ng karapat-dapat na tamang pasahod.  (Pro  Hac Vice / BERT MOZO)

73

Related posts

Leave a Comment