SMBeer coach Leo Austria: ‘Babangon kami!’

0
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA

NAGKAROON ng reputasyon ang San Miguel Beermen na nakababalik sa tuwing sila’y malulugmok sa pagkatalo mula pa noong 45 taon na ang nakalilipas, nang sumama ang koponan sa walong prangkisang humiwalay sa ranggo ng amatyur at nagtayo ng PBA, ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at sa Asya.

Ito ang pagkilalang inaasahan ni coach Leo Austria na magdadala sa Beermen para muling makabangon sa pagkawala nila sa trono ng PBA Philippine Cup na limang taon nilang tinamasa mula noong 2014.

Ang Beermen, sa katunayan ay inihahalintulad sa Boston Celtics ng US NBA, ang ­koponang dati ay may pinakamaraming koronang napanalunan sa pinakatanda at pinaka-prestihiyosong liga propesyonal sa daigdig na 17, bago sila natablahan ­kamakailan ng Los Angeles Lakers sa katatapos lang na 2020 bubble.

Mula noong ang prangkisang pag-aari ni businessman-sportsman Ramon S. Ang ay pagharian ang All-Filipino noong 1979, limang taon matapos ipanganak ang PBA, ang SMB na noon ay dala ang bandila ng Royal Tru-Orange, ay dinomina na ang liga bilang kampeon ng 27 na beses, pinakamarami sa ­kasalukuyang 12 koponang bumubuo ng liga.

Nakoronahan din sila ng pangalawa lamang na Grand Slam noong 1989 nang ang Beermen na hawak noon ni coach Norman Black, na ­mentor ngayon ng Meralco, ay mawalis ang lahat ng ­tatlong torneo kabilang ang ­All-Filipino, kasunod ng ­maalamat na Crispa Redmanizers.

Ang All-Filipino, na ngayon ay tinatawag na Philippine Cup, ang tinapay at mantekilya ng Beermen kung saan sila ang nag-kampeon ng siyam na beses, kabilang ang limang sunod bago sila nahubdan ng titulo ngayong taon ng sister team Barangay Ginebra.

Maraming beses din namang nahulog sa hukay ng pagkatalo ang SMB sa Philippine Cup, tulad sa katatapos lang na season.

Subalit hindi nababahala si coach Leo Austria.

“We’ve been in this ­situation many times before and San Miguel always rise after falling flat,” pagtatapat ni coach Leo sa reporter na ito sa isang panayam noong nakaraang lingo. “We have a saying, you can’t win ’em all. Ganyan ang buhay sa sports.”

“May kasabihan din na failure is just a reminder from Someone up there na baka ­medyo nalilihis tayo ng landas na ating dinadaanan,” pamimilosopo ni Austria.

“I take this failure of ours na paalala from Someone up there na dapat na tayong mag-isip kung saan tayo nagkamali,” aniya. “Wala pa kaming napag-uusapan ng management kung ano ang susunod naming hakbang.”

“We haven’t met yet. Abala lahat sa holidays. Nanalo ang Ginebra, so, party dito, party doon. Next tournament, hopefully is April pa naman. ”

“But sa team, we already know what we lacked that have to be addressed,” paniguro ni coach. “Our biggest problem was the absence of June Mar (Fajardo) that we thought we could easily solve because we were defending the All-Filipino.”

“Besides missing our most lethal weapon, talagang na-realize namin na kulang kami sa tao,” obserbasyon niya.

Ang hard core ng Beermen ay sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross, and Marcio Lassiter na nakapaglalaro na mula 35-40 minuto kasama ng mga batang sina Mo Tautuaa, Von Passumal at Paul Zamar.

“Pero kapag nilabas ko ang sinuman sa core, wala nang kapalit,” wika niya. “So, that’s what we will be addressing immediately when to resume preparations.”

“What I can promise our fans though is, babalik kami! Babangon kami!” deklara ni Austria.

Ang Beermen sa ngayon ay tulad ng Braves noong amatyur pa. In their old. Hindi sila nagtatapon ng manlalaro nang ganoon na lang.

“Ano nga ba ang liga kung sala ang San Miguel?” Tanong ng kanilang fans.

Sila na lamang ang koponan na hanggang sa mga oras na ito ay nasa PBA pa makaraan ang higit apatnapung dekada mula nang ang liga ay magkabuhay noong 1975.

Sabi nga ng PBA fans: “You beat anyone in the present PBA 12 team cast and everybody would say, ‘Who?’ You beat the San Miguel Beermen and ­everybody would say: ‘Wow!'”

Related posts

Leave a Comment