SPAKOL

BAGWIS

Madalas nating napapanood sa balita ang mga tinatawag na mga “spakol” na nire-raid ng mga pulis. In the meantime, ‘yung mga spa na may mga tinatawag namang all-the-way ay pawang mga untouchables.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang “spakol” ay mga spa na nag-aalok ng extra service maliban sa masahe ngunit itong mga spa naman na may all-the-way ay talagang nakikipagtalik ang mga therapist at wala nang masa-masahe. Basta pagpasok mo sa kwarto, aalukin ka na agad mag-sex.

‘Yan ay kwento lang naman sa akin ng aking kaibigang si Jonathan O., ang kinikilalang Johnny Sins ng Pilipinas na miyembro ng Team Harkor.

Obviously, mas malaki sigurong maglatag ng lagay itong mga nagpapa-all-the-way na mga spa na karamihan ay makikita sa Quezon City kaya tuluy-tuloy lang sa kanilang operasyon habang pawang mga pipitsugin na mga spakol na lamang ang inuupakan ng mga pulis Kyusi.

Hindi naman natin sinasabi na dapat paligtasin ang mga spakol at sa katunayan ay napapanahon na rin sigu­ro na magkaroon ng malinaw na patakaran tungkol sa mga ganitong lugar.

May mga “spakol” kasi na lantad. Ang tanong eh legal nga ba ito o ilegal?

May mga spakol din na hindi lang kalaswaan ang violation. May nakapagsabi sa atin halimbawa na pawang mga menor-de-edad at walang mga lisensya mula sa TESDA ang mga empleyado nito.

Kung ako ang tatanungin, nararapat lang siguro na magkaroon ng pantay na pagtingin ang ating mga alagad ng batas sa mga ganitong mga negosyo. Hindi naman siguro sila tanga para hindi alam ang mga kalakaran sa mga spakol at sa mga sosyaling health club kuno.

Otherwise gawin na lang natin na legal ang mga ito upang sa ganoon ay hindi na sila gawing lingguhang gatasan ng mga kawatang alagad ng batas. (Bagwis / GIL BUGAOISAN)

324

Related posts

Leave a Comment