TAMA NA TRAPO SA KONSEHO

SA gawing silangan ng kabisera matatagpuan ang Antipolo kung saan ma­ganda ang klima, malinis ang hangin at mayaman sa kultura. Bagama’t sadyang mainam ang lungsod na kilala sa pamamanata tuwing Mayo.

Kung tutuusin, mahusay naman ang sangay ng ehekutibo sa Antipolo, bagay na mas yayabong pa kung may kalakip na kwalipikado sa konseho.

Sa pagrerebisa ng talaan ng mga aspirante sa posiyon bilang konsehal, may ilan akong napansing dapat lang manungkulan. Bagama’t ‘di ko naman talaga kilala si Atty. Chito Soronio, pakiramdam ko hindi hamak siyang kwalipikado kaysa piso tumpok na mga trapo.

Hindi siya sikat. Walang troll farm. Walang publi­sidad. Pero sa kanyang isinumiteng dokumento sa Commission on Elections (Comelec), napabilib ako ni Atty. Soronio.

Malawak ang kanyang kaalaman sa batas (kasi nga abogado) na kanyang pinahusay nang magsilbi sa Public Attorney’s Office sa lungsod ng Antipolo kung saan niya isinulong ang kapakanan ng mga pamilyang nadehado ng mga mapagsamantalang conyo.

Nang magretiro, itinuloy ang adbokasiya bilang isang pribadong abogado para sa mga pobreng taga-Antipolo – panahong pwede naman niyang itinuon sa mga asuntong may kalakip na gantimpala – malaking kita sa tuwing may bista.

Sa patuloy kong pag-rerebisa sa kanyang professional portfolio, napansin ko ang kanyang plataporma sakaling matsamba sa konseho – pabahay, trabaho at ang patas na trato sa mamamayan, kesehodang pobre, bading, nangulungan, may-edad o may kapansanan.

Taliwas sa paandar ng sikat na boksingerong tumatakbong Pangulo, iba ang diskarte ni Soronio. Igiit ang karapatan ng maralita sa karapatang pabahay ng gobyerno, gawing prayoridad ang mga taga-Antipolo sa pangangalap ng empleyado ng mahabang talaan ng mga negosyo, pabrika at maging sa mismong pamahalaan – mga platapormang magka-kabisa lang kung magagawa niyang ipasa sa konseho ang mga ordinansang tugon sa mga naturang isyu.

Sa isang banda, tama naman ang abogado, ‘wag lang siyang tutulad sa nasa Palasyo. Taga-Antipolo muna bago mga estranghero.

Related posts

Leave a Comment