TULUNGAN SA PAGBANGON TUNGO SA ‘NEW NORMAL’

Sa Ganang Akin

NGAYONG araw, matapos ang 78 na araw sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ang ating lungsod ay isasailalim na sa general community quarantine o GCQ.

Ito ay matapos pag-aralan at irekomenda ng iba’t-ibang mga alkalde sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ibig sabihin nito ay pinahihintulutan na ng gobyerno ang pagbubukas ng mga negosyo upang buhaying muli ang ating ekonomiya.

Lilimitahan na lang ang mahigpit na quarantine restrictions sa mga lugar o lungsod na madedeterminang mga delikado.

Sa ilalim ng GCQ, pinahihintulutan ng ating gobyerno ang lokal na pamahalaan ng bawat lungsod na sila na mismo ang maghigpit sa kani-kanilang mga nasasakupan, lalung-lalo na sa mga lugar na may mataas pang bilang ng kaso ng coronavirus.

Ang ‘localized lockdowns’ na ito ang nakikitang paraan upang mapigilan pa ang pagkalat ng pandemya nang hindi maisasakripisyo ang paggalaw ng ating ekonomiya.

Walang nakaiwas sa pahirap na dala ng pandemyang ito. Kagaya na lamang ng aking naiunang nasulat sa aking mga kolumn, ang importante ay magtulungan ang lahat upang ma ging matagumpay at malampasan natin ang pandemya.

Kasama sa pagtutulungan dito ang lahat ng mamamayan at iba’t-ibang sektor sa industriya, at ang isang halimbawa dito ay ang kumpanyang a king pinaglilingkuran, ang Meralco.

Nitong mga nakaraang araw ay naging sentro ng usapan ang Meralco dahil ‘di-umano sa pagbibigay nito ng mga matataas na electric bills.

Bilang isang kumpanyang naniniwala sa pagiging tapat at totoo, mahalaga para sa Meralco ang customers nito at desidido itong tumulong para mapagaan ang kanilang mga alalahanin lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Bilang pagsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC), inanunsyo ng Meralco na ang mga electric bills ng mga customer para sa mga buwan ng March, April at May o ang mga buwan kung saan nasa ECQ ang lahat, ay maaaring bayaran nang hulugan simula mid-June.

Ang ECQ bills ng customers na hindi lumampas sa 200kWh ang konsumo noong nakaraang February 2020 ay hahatiin at maaaring bayaran sa loob ng anim na buwan, samantalang ang mga customers naman na lu mampas sa 200kWh ay hahatiin at maaaring bayaran sa loob ng apat na buwan.

Umaasang sa installment plan na ito ay magkakaroon ng sapat na panahon ang ating consumers upang bayaran ang kanilang bills.

Dahil sa pangambang dulot ng pandemya, ipinaaalala ng Meralco na maraming paraan upang bayaran ang ating  electric bills. Maaaring sa pamamagitan ng Meralco Online, Paymaya, Gcash, at iba pa.

Maaari pa ring pumunta sa aming mga business center na kamakailan ay binuksan muli para sa mga may nais idulog sa Meralco.

Magpapadala rin ng panibagong billing statement ang Meralco na may mas detalyadong paliwanag sa mga naging konsumo at adjustments ng dahil sa nagawang estimated billing. Kabilang na rin dito ang aktuwal na nakonsumo ng bawat isa na nakuha sa aktuwal na ginawang meter reading.

Kung nagkaroon man ng over-estimation para sa ilang March at April bills, ang sobrang naibayad naman ng customer ay maire-refund sa kanilang billing statement.

Sinisiguro ng Meralco sa kanilang mga customer na ang babayaran lamang nila ay kung ano lang ang kanilang kinonsumo at ang ginagawang meter reading activities ay siguradong wasto at tama.

Sa katunayan, ang mga bills na makukuha ng kanilang  customers para sa buwang ito ay magre-reflect na ng kanilang tama at aktuwal na meter reading para sa buwan ng March, April at May.

Handa ang Meralco upang makatulong sa kanilang custo mers. Walang dapat ipangamba ang lahat dahil walang mangyayaring pagpuputol ng serbisyo habang may lockdown.

Tinitiyak din ng Meralco na tuloy-tuloy ang serbisyo na makukuha ng customers nito at maghahanap ng pinakamabuting paraan upang hindi na makadagdag pa sa mga alalahanin ngayong panahon ng pandemya.

Pagtutulungan ang kailangan upang tayo’y muling makaba ngon mula sa pahirap na lakip ng COVID-19. Handa ang Meralco na tumulong at maki-isa habang tayo’y bumabangon patungo sa tinatawag na “new normal”.

62

Related posts

Leave a Comment