WALANG KAPARIS NA KATAPANGAN NG PSG

BAKIT ba ang ilang Senador at kampo ni Vice President Leni Robredo ay mainit sa pagpapaturok ng smuggled COVID-19 vaccine ng PSG??

DIBA dapat maging masaya na lang sila sa katapangang ­ipinamalas ng Presidential Security Group (PSG) na handang sumalo ng kahit ano basta masiguro lang ang kaligtasan ng kanilang binabantayang Pangulo ng bansa.

Hindi ko talaga maintindihan ang motibo ng pag-iingay ng ilang senador at ni VP Robredo kaugnay sa napaulat na pagbabakuna ng PSG.

“NAMUMULITIKA NA BA SILA??”

Paalala lang! Malayo-layo pa po ang eleksyon, ni hindi pa nga nagbubukas ang Commission on Elections o Comelec para tumanggap ng anumang certificate of candidacy.

Kung talagang gusto ng ­ilang senador na imbestigahan at ng kampo ni VP Robredo kung paano nakapasok yung bakuna na itinurok sa mga miyembro ng PSG, abay ang ipatawag ninyo yung mga nagpasok nyan dito, hindi yung aabalahin pa ninyo ang PSG sa kanilang trabaho na bigyan ng tamang seguridad ang pangulo ng bansa!

Ang hindi ko lang maintindihan sa ilang mga EWAN! Naiingit ba kayo na handang tumanggap ng bala o anumang bagay ang PSG para lamang matiyak o masiguro ang kaligtasan ng ­pangulo ng bansa?!

At saka bakit ba kayo apektado kung sakali mang totoong nagpabakuna ang ilang mga miyembro ng PSG? Napinsala ba ang buhay o kabuhayan ninyo?! Kung naiingit kayo na nagpabakuna ang PSG eh di bumili kayo ng bakuna at magpabakuna na rin kayo!!!

At kung nais lang naman ninyong malaman kung sino nagpapasok ng bakuna dito sa bansa ipatawag ninyo lahat ng importer at pakantahin, hindi yung pakialaman pa ninyo yung trabaho ng PSG!?,

NAPAKA-AGA NAMANG PALUTANG YAN?? MAHIYA NAMAN KAYO!!!

oOo

Ano na namang kabulastugan yan Commission on Human Rights?

Aba’y anong klaseng panawagan yan sa mga awtoridad na huwag daw gawing ­option na patayin ang kriminal, eh ano gusto ninyo? hayaan yung kriminal na pagnakawan, patayin o pinsalain yung mga law abiding citizen??

Eh kung sa inyo kaya gawin ng mga kriminal na mga yan yung mga nararanasan ng mga biktima ng krimen na hindi man lang ninyo masilip upang alamin ang kanilang sinapit, ganyan pa rin kaya ang magiging panawagan ninyo??

At saka sino ba ang pipiliin ninyong namamayagpag o ­gumagala sa inyong mga lugar mga taga CHR? Yung mga kriminal o yung mga taong ­gumagalang sa batas na walang ibang hinahangad kundi ang isang mapayapang komunidad?!!

Ang hirap nyo talagang maintindihan CHR? pag kriminal ang napapatay maingay kayo pero kapag yung mga awtoridad ang napapatay tahimik kayo?

Tanong lang sa inyo mga taga CHR? Kanino ba talaga kayo panig o kakampi sa mga ­terorista at kriminal o sa mga awtoridad na nagbibigay ng seguridad sa publiko?!

33

Related posts

Leave a Comment