2 BANGKAY ITINAPON SA BANGIN SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang bangkay ang itinapon noong Linggo sa Brgy. Natipuan, sa bayan ng Nasugbu, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang guwardiya ng Green Lift Security Agency na kinilalang si Jude Malay, ang nag-report sa Nasugbu Municipal Police Station bandang alas 2:15 ng hapon noong Linggo upang ipagbigay-alam ang natagpuang dalawang bangkay na isang babae at isang lalaki, sa gilid ng bangin ng nasabing lugar.

Nakapiring ang mga mata at may mga tama ng bala ang natagpuang dalawang bangkay.

Inaalam sa footage ng CCTV ng barangay kung nahagip ang mga suspek na responsable sa insidente. (CYRILL QUILO)

66

Related posts

Leave a Comment