2 GRADE 10 STUDENT PATAY SA TRUCK

ISABELA – Patay ang dalawang Grade 10 student na binatilyo makaraang salpukin ng dump truck habang sakay ng kolong-kolong, iniulat nitong Martes sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Hanz Charlie Viado at Jhonrence Esquivel, kapwa 16-anyos, at residente ng Rizal, Roxas, Isabela.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng dumptruck na kinilalang si Danilo Anog, 49-anyos at residente ng Sinamar, Roxas, Isabela.

Batay sa report ng Roxas Police Station, nangyari ang insidente sa San Placido, Roxas, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Viado ang kolong-kolong sakay si Esquivel nang tumawid ang mga ito sa kabilang linya at saktong nakasalubong si Anog dahilan para masalpok ang mga ito.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima sa kalsada naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang insidente, kusang sumuko ang suspek na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment