2 HULI SA BUY-BUST, 1 PA SA SUGAL

0

NALAGLAG sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Laloma Police Station (PS-1) sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang drug suspects sa buy-bust operation sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin ang mga suspek na sina Mario Rocha, 42, at Reynaldo Tuscano, 53, pawang mga residente ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Napag-alaman, iniulat ng isang confidential informant sa PS-1 ang hinggil sa drug peddling activities ng mga suspek kaya’t agad naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong ala-1:30 ng hapon noong Pebrero 28 sa Christine Street, Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson sa nabanggit na lungsod, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Bukod sa buy-bust money, nakumpiska rin sa mga suspek ang pitong sachets ng shabu na P34,000 ang halaga, at cellular phone na ginamit sa nasabing drug transaction.

Samantala, nahuli naman ng mga tauhan ng Holy Spirit Police (PS-14) ang suspek na si Jamir Alvarado, 48, residente ng #146 Nawasa Road, Brgy. Pasong Tamo dakong alas-4:30 ng hapon noong Pebrero 28, sa Panopio Street, corner Luzon Avenue, Brgy. Pasong Tamo, habang naglalaro ng sugal na cara y cruz habang nakatakas ang mga kasama nito. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment