2 ILLEGAL LOGGERS NADAKIP NG PNP-ZAMBALES

MAKARAAN ang matagumpay na paglulunsad ng “Barangayanihan,” ang proyektong naglalayong protektahan ang kapaligiran at iba pa, nadakip ng mga tauhan ni Zambales Provincial Director PCol. Romano V. Cardiño ang hinihinalang mga illegal logger na sina Christian Mon y Nilo ng Sta. Cruz, Zambales at Erwin Casupanan y Apino, residente ng Sitio Mapalad, Brgy. Lucapon South, Sta. Cruz, Zambales.

Noong Biyernes, Hunyo 20, 2021, dakong ala-1:00 ng hapon, ang Zambales team-Sta. Cruz MPS at PIU Zambales PPO sa pangunguna ni P/Capt. Richard E. Asis, ay nagsagawa ng anti-illegal logging operation sa Brgy. Tubo-tubo South, Sta. Cruz, Zambales.

Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek at nakumpiska ang mga sumusunod: 13 piraso ng 1x8x12 lumber ng dulit; 15 piraso ng 1x4x8 lumber ng Acacia auriculiformis; 22 piraso ng 1x4x8 lumber ng talisay gubat, at isang unit ng Sarao jeepney na walang plaka.

Ang nakumpiskang mga troso ay aabot sa 283 board feet na tinatayang P13,867 ang halaga.

Ang arestadong mga suspek at ang mga ebidensya ay pansamantalang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS lock-up jail.

75

Related posts

Leave a Comment