2 MOST WANTED, 31 TULAK DINAMPOT SA CAVITE

0

CAVITE – Nakorner ng Cavite police ang tinaguriang top 1 and 2 most wanted persons habang 31 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-6:00 noong Biyernes ng hapon nang maaresto si Amelia Tengco, 47, isang balo at negosyante, ng Block 37, Lot 16, Phase 6, Legian 2, Brgy. Carsadang Bago 2, Imus, Cavite, na tinaguriang top 1 wanted person, city level, ng pinaganib na puwersa ng Batangas City Police Station at Imus CPS, sa Brgy. Carsadang Bago 2 ng naturang lungsod, dahil sa kasong 4 counts na estafa.

Arestado rin si Angelo Enmacino, 36, ng Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, na tinaguriang top 2 wanted person, city level, sa isinagawang operasyon laban sa most wanted persons, dakong alas- 2:25 noong Biyernes ng hapon, sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City dahil sa kasong qualified theft.

Umabot naman sa 31 hinihinalang mga tulak na droga ang dinampot sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Ayon sa ulat, sa pagitan ng alas-12:30 ng umaga noong Biyernes hanggang alas-2:30 madaling araw nitong Sabado nang isinagawa ang buy-bust operations sa anim na lungsod at tatlong bayan.

1Nanguna sa listahan na may pinakamaraming tulak na dinampot ang bayan ng Tanza na may 7; sumunod ang General Mariano Alvarez (6); Gen. Trias City (5); Imus City (4); tig-3 ang Cavite City at Bacoor City; at tig-1 ang Trece Martires City at Maragondon. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment