23 INMATES SA CAVITE NAKATAKAS

CAVITE – Umabot sa 23 inmates sa General Mariano Alvarez (GMA) Custodial Center ang umano’y tumakas mula sa kanilang kulungan sa bayang ito, nitong Linggo ng madaling araw.

Sa inisyal na report mula sa desk officer ng GMA Municipal Police Station, dakong alas-4:00 kahapon ng madaling araw nang umano’y tumakas ang 23 inmates mula sa GMA Custodial Center na nasa loob ng himpilan ng pulisya.

Tumanggi naman ng hepe ng GMA MPS na si P/Major Jaypee de Guzman, na magbigay ng iba pang detalye hinggil sa pagtakas ng mga preso, gayunman kinumpirma ng desk officer na may natira pang mga bilanggo na hindi sumama sa pagtakas.

Habang isinusulat ang balitang ito, 12 preso na naibalik sa kulungan. (SIGFRED ADSUARA)

122

Related posts

Leave a Comment