3 TOTOY, 3 PA NABITAG SA ILLEGAL DRUGS

CAVITE – Binitbit sa kulungan ang tatlong menor de edad at tatlo pang pang nakakatanda makaraang mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.

Hawak na ng Naic Social Welfare Development (NSWD) ang tatlong menor de edad na sina alyas “Marlon,” 17; “Neff,” 16 at “Rommel,” 17, pawang mga residente ng Naic, habang nakakulongnaman sina Sonny Boy Paligar, 45; Elmer Gaselos, 27, at  Marvin Logrosa, 18, pawang ng nabanggit na bayan.

Sa ulat ni P/SSgt. Mark Allan Arcusa ng Naic Municipal Police Station, dakong ala-1:30 ng hapon noong Sabado nang magkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Dorothea Homes, Brgy. Calubcob ng naturang bayan na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (SIGFRED ADSUARA)

47

Related posts

Leave a Comment