6 DRUG SUSPECTS SUMUKO 

MAGUINDANAO – Sumuko sa mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Rajah Buayan sa lalawigang ito, ang anim na drug personalities nitong Lunes.

Kasamang isinuko ng anim na mga suspek na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan para sa kanilang seguridad, ang limang malalakas na kalibre ng armas.

Ang anim na mga suspek na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa Central Mindanao, ay boluntaryong sumuko matapos mahikayat ni Lt. Col. Elmer M. Boongaling, commanding officer ng 33IB at PNP Maguindanao.

Sa isang simpleng seremonya, iniharap ang anim na drug personalties kina Col. Jose Narciso, commander ng 601st Infantry Brigade at P/Col. Arnold C. Santiago, director ng Police Provincial Office (PPO) sa Maguindanao, na sinaksihan ni Rajah Buayan Mayor Yacub L. Ampatuan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Maguindanao ang anim na sumukong drug personalities para sa kaukulang disposisyon. (JESS KABEL)

 

Related posts

Leave a Comment