Agri at road infra damage sa Bulacan umabot sa P157-M STATE OF CALAMITY SA MALOLOS AT CALUMPIT

0

UMABOT na sa mahigit P157 milyon ang halaga ng napinsalang agrikultura at road infrastructure dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Fabian at sinamahan pa ng high tide mula sa Manila Bay sa lalawigan ng Bulacan.

Dahil dito, isinailalim sa state of calamity ang siyudad ng Malolos at munisipalidad ng Calumpit.

Apektado ng high tide at patuloy na pagtaas ng tubig baha ang mga barangay sa bayan ng Calumpit kaya sa ilalim ng Resolution No. 112-2021 ay idineklara itong under the State of Partial Calamity habang base sa inaprubahang Resolution No. 02-2021, ang lungsod ng Malolos ay under the State of Calamity.

Base sa report ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) chief Liz Mungcal, dahil sa habagat at high tide ay nalubog sa baha ang nasa 106 low-lying barangays mula sa 5 bayan at isang lungsod sa Bulacan maliban pa ang 7 bayan na hindi nai-report sa PDRRMO.

Ayon kay Mungcal, ang Malolos City at Calumpit ang siyang pinaka-nasalanta ng tubig baha na umabot hanggang 5 talampakan ang taas at 29 barangay sa Malolos City at 22 barangay naman sa Calumpit ang naapektuhan.

Kabilang sa mga bayan na nalubog sa baha ang Hagonoy, Bocaue, Paombong, Guiguinto, Balagtas, Sta. Maria, Meycauayan City, Pulilan, Obando at Bulakan.

As of 5 p.m. noong Biyernes, nasa 1,350 Bulacan farmers at 471 fishermen ang naapektuhan ng baha kabilang na ang 1,147.60 ektaryang bukid na mayroong apektadong 907 farmers: 1,562.19 ektarya ng fishpond na mayroong 471 fishermen: 67.79 ektarya ng gulayan na mayroong 441 farmers at cornlands.

Ang rice crop worth of damages ay umabot sa P20,643,227.18 million; fishery sector P53,407,828.26 million; vegetables P15,791,910.80 million at corn farm P5,214.00 habang P294,800 naman sa livestock industry.

Base naman sa report mula sa First District Engineering Office at Provincial Engineer’s Office (PEO), ang damaged to infrastructure ay umabot sa P62,050,000 sa road section at P3,200,000 naman ang provincial government buildings.

Ayon kay First District Engineer Henry Alcantara, nagsagawa agad ang kanyang tanggapan ng palliative measures sa various road sections sa mga pangunahing national highway na nasira.

Inatasan din ni Alcantara si Engr. Erning Daos, chief of the Maintenance Division na magsagawa ng immediate patching sa potholes para matakpan pansamantala ang mga damaged road sections ng aspalto at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.

Kasabay nito ay hiniling ni Alcantara ang malalim na pang-unawa ng mga motorista sa mga lugar na hindi pa naaayos dahil sa patuloy na pag-ulan. (ELOISA SILVERIO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment