AURORA NIYANIG NG 5.4 MAGNITUDE NA LINDOL

NAKARAMDAM ng intensity 6 na lindol ang mga residente ng Aurora provice kahapon ng umaga.

Sa earthquake information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 16 kilometers southwest ng bayan ng San Luis, bandang alas-10:10 Sabado ng umaga na may magnitude na 5.4.

Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila.

Sa report ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 6 earthquake sa Baler, Aurora, habang Intensity 5 naman sa San Luis, Dipaculao at Maria Aurora, Aurora.

Intensity 4 naman sa  Casiguran at Dingalan, Aurora at Gabaldon sa Palayan City, Nueva Ecija.

Unang iniulat ng Philvocs ang 5.1-magnitude quake subalit itinaas ito sa kanilang updated report kahapon.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang lindol ay narehistro may 16 kilometers southwest ng San Luis na may lalim na 7 kilometers at tectonic in origin sanhi ng paggalaw ng Aurora fault.

“Bahagyang malakas po ito,” ani Solidum sa ginanap na Laging Handa briefing.

“Posible pong magka-aftershocks, posible pong magka-minor damage, ayon pa sa opisyal, kasunod ng pahayag na patuloy silang nagsasagawa ng pagsusuri sa naging epekto ng lindol.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang opisyal sa publiko na sakaling kailanganin magsagawa ng evacuation ay sumunod pa rin sa physical distancing dahil sa nananatiling banta ng coronavirus disease.

“Isipin natin palagi physical distancing ‘pag tayo ay nage-evacuate at pumunta sa lugar na may evacuation area,” paalala pa ni Solidum.

Naramdaman din ang lindol sa Obando, Bulacan; Villasis, Pangasinan; City of Paranaque at Antipolo City sa Rizal

habang Intensity 2 naman sa  Santo Domingo, Nueva Ecija; Malolos City at Plaridel, Bulacan; Baguio, Manila,  Malabon, Navotas, Quezon City at Valenzuela City.

Intensity 1 naman sa Gapan City, Nueva Ecija at Guinayangan, Quezon. JESSE KABEL

Related posts

Leave a Comment