BAGITO PINATALSIK  ANG DEKADANG PAMUMUNO SA RIZAL

nograles12

(NI KIKO CUETO)

PORMAL na ipinroklama ang bagitong pulitiko na si Fidel Nograles, bilang bagong congressman sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Rizal.

Dahil sa panalo, winakasan ni Nograles,  pamangkin ni yumaong dating House speaker Prospero Nograles , ang mahigit dalawang dekada o 21 taong paghahari ng pamilya Rodriguez. Landslide-victory ang naitala ng batang congressman-elect.

Tinalo niya ang asawa ni incumbent Rep. Isidro Rodriguez Jr. ng halos 100, 000 na boto.

May higit 212,000 na boto si Nograles, habang mahigit 138,000 lang ang boto ni Rodriguez.

Isa pang kandidato, si Dindo Garciano, ay nakalikom ng 11,000 boto lamang.

Tinalo rin ni Nograles si Rodriguez sa kanyang mismong bayan ng Rodriguez (dating Montalban).

Nakuha ni Nograles ang suporta ng Ynares political clan, na nagdesisyong wakasan ang suporta sa pamilya Rodriguez. Winakasan nito ang 21 taon na paninilbihan ng pamilya Rodriguez.

Ang Ynares clan ay itinuturing na political kingpins sa Rizal.

“Maraming salamat po sa mga kapwa ko Rizaleño sa pangalawang distrito. Ang atin pong panalo ay para sa inyo, para sa kabataang Rizaleño at para sa tunay na pag asenso ng ating distrito. Salamat po sa tiwala sa kabataang Rizaleño,” sinabi ni Nograles sa kanyang official Facebook page.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment