BALIWAG MAYOR LIGTAS NA SA COVID-19

BULACAN – Ligtas na si Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa coronavirus disease (COVID-19) at handa na muling magtrabaho, makaraang magnegatibo sa ikalawang
pagsusuri sa nasabing nakamamatay na sakit.

Samantala, dalawa pang COVID cases ang kumpirmadong nadagdag sa talaan ng Bulacan Provincial Health Office kaya’t umakyat na sa sampu ang naitalang tinamaan ng
naturang sakit.

Ayon kay Baliwag Municipal Administrator Eric Tagle, inaaasahang anumang araw mula ngayon ay magsisimula na sa kaniyang trabaho bilang ama ng bayan ng Baliwag si
Mayor Estrella upang agarang maihatid ang “Serbisyong May Malasakit”.

Nais umano ni Estrella na personal na pamunuan ang relief operation at paghahatid ng mahigit 41,000 food packs sa 27 barangays.

Magugunita nitong Marso 17, sa kanyang post sa social media, ay inamin ni Estrella na siya ay infected ng COVID-19 disease at nagpapagamot sa isang pribadong ospital.

Agad nakarekober ang alkalde base sa pangalawang “re-confirmatory test” ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na lumabas na negatibo ang resulta nitong
Martes. (ELOISA SILVERIO)

Related posts

Leave a Comment