RIZAL – Si Baras Mayor Kathrine Robles ang nadagdag sa mga alkalde ng Lalawigan ng Rizal na nagpositibo sa COVID-19.
Naunang nagpositibo si Mayor Joric Gacula ng Taytay at si Jala-jala Vice Mayor Jolet Delos Santos na namatay nitong Martes.
Positibo rin si Gov. Rebecca Ynares at naka-home quarantine si Antipolo City Mayor Andeng Bautista-Ynares.
Sa press statement ni Mayor Robles sa PaMaMariSan Rizal Press Corps, inamin niyang positibo siya sa COVID-19.
Sa kanyang pagtupad sa tungkulin at pakikihalubilo sa mga taga Baras ay kinailangang magtungo siya sa ibang bayan para makipag-ugnayan tungkol sa mga programa ng bayan kaya maaaring ito ang dahilan ng pagkahawa niya sa COVID-19.
Sa kalukuyang nasa stable condition na ang alkalde at kaya niya ito ipinaalam ay para agad mabatid kung sino-sino ang kanyang mga nakasalamuha mula Marso 18, 2020 para sa contract tracing at upang sumangguni sa municipal health officers hinggil sa ipatutupad na home quarantine. (KNOTS ALFORTE)
63