BAYAW NI MISIS, ITINUMBA NI MISTER

CAVITE – Bunsod nang matinding selos pinagsasaksak at napatay ng isang lalaki ang bayaw ng kanyang misis sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito.

Hindi umabot nang buhay sa Maragondon Municipal Hospital ang biktimang si Jonnel Dolloso, 36, ng Sitio Ubasan, Brgy. Poblacion 1A, Ternate, habang arestado naman ang suspek na si Rowel Rodriguez.

Sa ulat ni P/SMsgt, Andres Agcaoili ng Ternate Municpal Police Station, dakong alas-6:30 noong Biyernes ng gabi, nang dumating ang biktima sa kanilang bahay ang biktima ay bigla na lamang itong pinagsasaksak ng suspek.

Nauna rito, nagtalo ang suspek at misis nito dahil pinagseselosan ng biktima ang bayaw ng ginang. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment