BODYGUARD NG MAYOR, TODAS SA KASAMAHAN

MASBATE – Patay ang isang bodyguard ni Mayor Arturo Virtucio ng bayan ng Aroroy sa lalawigang ito, makaraang barilin ng kanyang kasamahan matapos magkasagutan dahil sa pagkapikon ng suspek, nitong Huwebes ng madaling araw.

Hindi umabot nang buhay sa Masbate Doctors’ Hospital ang biktima kinilalang si Renato Ragas, 42, civil security sa office of the Mayor ng Aroroy at residente ng Barangay Puro sa nabanggit na bayan, habang arestado naman ang suspek na si Julius Torres, 26-anyos.

Sa imbestigasyon ng Aroroy Municipal Police Station (MPS) sa Police Regional Office (PRO) 5, nangyari ang krimen dakong alas-3:55 ng madaling araw.

Agad nagresponde ang pulisya sa lugar, sa pangunguna ni P/Maj. Louie Manuel Dela Pena, hepe ng Aroroy MPS, at doon nabatid na kapwa bodyguard ni Mayor Virtuci ang suspek at biktima.

Sakay umano ng Toyota Hilux ang suspek at biktima kasama ang dalawang iba pa nang magkapikunan na humantong sa pamamaril ni Torres kay Ragas.

Batay sa ulat, pinatigil ng biktima ang kanilang sasakyan sa Barangay Cabangcalan para umihi ngunit lingid sa kaalaman nito ay sinundan siya ng suspek bitbit ang M16 rifle at agad na binaril ang una habang nakatalikod. (NICK ECHEVARRIA)

 

Related posts

Leave a Comment