COUPLE NA IBA’T IBA ANG GAMIT NA PANGALAN PINAGBABARIL

DOUBLE MURDER SA APARTMENT

CAVITE – Tinadtad ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang mag-live-in partner sa inuupahan nilang apartment sa Brgy. Santol sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Lunes ng hapon.

Dead on the spot ang mga biktimang kinilalang sina Amante Ronquillo at Ma. Jesusa Torcuator, kapwa 48-anyos, dahil sa dami ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Ayon kay Cavite Provincial Police Office (PPO) director, P/Col. Marlon Santos, nangyari ang insidente dakong alas -2:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Bigla umanong dumating ang armadong mga suspek at pumasok sa inuupahang apartment ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito.

Napag-alaman, apat na araw pa lamang nakatira sa nasabing apartment ang mga biktima.

Natagpuan ng mga pulis sa apartment unit ang iba’t ibang ID ng mga biktima na magkakaiba ang pangalan ngunit iisa ang ginamit na larawan.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang posibleng motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaril. (NICK ECHEVARRIA)

 

47

Related posts

Leave a Comment