DALAGITA GINAWANG PARAUSAN; STEPDAD SWAK SA KULUNGAN

ISABELA – Bumagsak sa kulungan ang isang lalaki makaraang gawing parausan ang dalagitang anak-anakan, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang arestadong suspek na si James Natividad, 29-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela.

Batay sa report ng Tumauini Police station, nadakip ang suspek matapos isilbi ang warrant of arrest sa Centro, Cabagan, Isabela.

Ayon sa pulisya, nahaharap ang suspek sa 16 na bilang ng kasong rape matapos paulit-ulit na gahasain ang dalagitang anak ng kanyang kinakasama.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek. (ANNIE PINEDA)

 

151

Related posts

Leave a Comment