Dapat marunong at edukado – PFP BONGBONG FOR PRESIDENT SA 2022

0

(DANG SAMSON-GARCIA)

PORMAL nang inendorso ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang presidential candidate sa May, 2022 elections.

Sa National Convention ng PFP sa South Upi, Cotabato, inaprubahan ng mga opisyal at miyembro ng partido ang resolution upang iendorso si Marcos bilang kanilang kandidato sa pagka-Pangulo sa halalan.

Ipinaliwanag ni Atty. George Briones na dahil hindi pa pormal na tinatanggap ng dating senador ang pagiging miyembro ng kanilang partido ay hindi pa nila maigagawad ang nominasyon sa kanya bilang presidential candidate ng PFP subalit malaya nila itong maiendorso.

“Kung papayag si Senador Bongbong Marcos, magpapatawag ng bagong convention ang partido bago matapos ang September para sa kanyang nominasyon bilang Presidential Candidate,” sinabi ni Briones.

“Sa aking personal na assessment, si Senador Bongbong Marcos ay marunong na tao, edukado, mabait, hindi nagtataas ng boses. He doesn’t speak bad words at masayahin,” paglalarawan pa ni Briones kay Marcos bilang bahagi ng pagsusulong ng resolution na nag-eendorso sa dating senador bilang presidential candidate.

Kasabay nito, opisyal na ring inihalal ng partido si Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Vice President ng partido kapalit ng nagbitiw na singer/composer Freddie Aguilar.

Sa datos, ang PFP na itinatag noong 2018 ay mayroong mahigit 1.5 milyong miyembro sa buong bansa at may 300 miyembrong naipanalo noong 2019 national and local elections.

“Being a young party, PFP has no excess baggage to carry. PFP has no pending case, each officers and members are clean. PFP is not a corrupt political party,” diin pa ni Briones.

Layon anya ng PFP ang komunidad na drug-free, crime-free, insurgency-free, corruption-free at poverty-free.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment