DAVAO CITY 10 BESES NANGUNA SA COVID CASES

0

DAVAO CITY – Sampung beses nang nanguna ang lungsod na ito sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang ika-10 beses ay naitala nitong Huwebes, Nobyembre 26, ayon sa ulat ng Department of Health.

Naitala rin ang pinakamaraming bilang ng mga namatay sa araw na ito, na umabot sa 11.

Ayon sa DOH, may 137 bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

Nasa pangalawa naman ang Quezon City na may 68 kaso; pangatlo ang Batangas, 59; pang-apat ang Laguna, 54, at panglima ang Cavite na may 47 bagong kaso.

Sa kasalukuyan, ang total active cases ng lungsod ay 1,988 habang 5,994 ang kabuuang kaso.

Nakapagtala naman ng 71 na bagong recoveries kaya may kabuuang 3,729 na ang gumaling sa COVID-19 sa lungsod.

Ngunit umabot na sa 277 ang kabuuang bilang ng mga namatay.

Sa kabila nito, naitala naman ng DOH ang 5,773 na gumaling sa sakit sa petsang iyon sa buong Davao Region. (DONDON DINOY)

Related posts

Leave a Comment