Dumiskarte ng pang-honeymoon, kasal naudlot BRIDE AND GROOM HULI SA P9-M SHABU

DAVAO City – Imbes na sa simbahan ay humantong sa selda ang pagmamahalan ng magkasintahan na ikakasal sana nitong Valentine’s Day, makaraang makumpiskahan ng tinatayang P9 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod na ito.

Arestado sa buy-bust operation ang mga suspek na sina Bembol Rabosa Papata at Jeanet Narcelo Saicon, pawang 46-anyos at mga residente ng Brgy. Pindasan, Mabini, Davao De Oro, gayundin ang kasama nilang si Rex Jocotmaya Comaña, 28-anyos, pawang mga residente ng Tagum City.

Ang mga suspek ay nadakio ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station, Davao City Police Office at Regional Special Operations Group (RSOG) sa Bermudez Street, Brgy. Visayan Village, Tagum City, alas-5:20 ng hapon noong Huwebes, Pebrero 13.

Nakuha mula sa kanila ang 590 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P9,440,000 ang halaga, isang Mitsubishi Montero at mga cellphone.

Ayon kay Police Major Michael Uyanguren, station commander ng Sta. Ana Police Station, si Papata ay itinuro ng mga suspek na naunang nadakip ng mga pulis, na siyang supplier nila ng shabu. (DONDON DINOY)

 

Related posts

Leave a Comment