Estudyante buking ng titser MARIJUANA SA LUNCH BOX

marijuana

BULACAN – Kalaboso ang isang 16-anyos na estudyante makaraang madiskubre ng kanyang guro ang 21 piraso ng marijuana na binalot sa school paper at inilagay sa kanyang lunch box sa bayan ng Pulilan sa lalawigang ito.

Base sa ulat na ipinadala sa Camp Alejo Santos ng Pulilan police, nagsagawa ang isang guro ng surprise inspection sa kanyang mga estudyante sa isang eskwelahan na hindi pinangalanan, bandang alas-3:40 ng hapon bilang parte ng school policy.

Bunsod nito, nadiskubre ng guro ang marijuana sa loob ng lunch box ng suspek.

Agad ipinaalam ng guro ang kanyang natuklasan sa school principal na mabilis namang tumawag ng mga pulis at ipinaaresto ang suspek.

Pansamantalang nasa kustodiya ng WCPD Section ng Pulilan Municipal Police Station at MSWD ang sangkot na estudyante para sa imbestigasyon. (ELOISA SILVERIO)

 

Related posts

Leave a Comment