EX-CAVITE GOV. MALIKSI PUMANAW NA

PUMANAW na si dating Cavite Governor Erineo “Ayong” Maliksi noong Miyerkoles sa edad na 82-anyos.

Sa Facebook account ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, inihayag nito ang pagpanaw ng kanyang ama bagama’t hindi binanggit kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

“Ang aming pamilya ay lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng aking ama, Erineo “Ayong Maliksi,” ayon sa kanyang FB account.

“Higit sa pagiging isang serbisyo-publiko, ikaw ay naging isang mapagmahal at mapagkalingang ama sa amin. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at sa mga aral na patuloy naming babaunin,” ayon pa kay Mayor Manny Maliksi.

Nagsimula ang political career ni Maliksi bilang vice mayor ng Imus City mula 1980 hanggang1986. Naging mayor ng Imus City noong 1988 hanggang 1998.

Naging gobernador siya ng Cavite mula 2001 hanggang 2010, naging miyembro ng Mababang Kapulungan mula 1998 hanggang 2001 at mula 2010 hanggang 2013.

Nagsilbi ring siyang chairman ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) mula 2015 hanggang 2016 sa ilalim ng administarsyon ni dating Pangulong Benigno Aguino III. (SIGFRED ADSUARA)

59

Related posts

Leave a Comment