EX-POLICE ARESTADO SA DAVAO DRUG BUST

DAVAO CITY – Arestado ng kanyang mga dating kasama sa trabaho ang isang dating pulis sa isinagawang buy-bust operation ng Sta. Ana Police Station sa Camella Communal, Buhangin, ala-una ng hapon noong Martes.

Kinilala ang nadakip na dating pulis na si Badih Sajid, 49-anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Major Benkalin Baluan, hepe ng Sta. Ana Police, sampung taong nagserbisyo ang suspek at huling nadestino sa Mobile Force ng Davao Oriental at may ranggong police officer 3, ngunit nasibak sa serbisyo dahil nag-AWOL (absent without office leave).

Dagdag ng opisyal, ikinukonsiderang high-value individual (HVI) ang suspek at mga parokyano nito.

Tinatayang P35,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa posisyon ng suspek. (DONDON DINOY)

76

Related posts

Leave a Comment