EX-PULIS, 4 PA ARESTADO SA ANTI-NARCOTICS OPS

ANGELES CITY – Arestado ang isang dating pulis at apat na iba pa sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ni PDEA Central Luzon Dir. Christian Frivaldo, nakumpiska sa operasyon ang P240,000 halaga ng liquid shabu at 60 gramo ng kush o high-grade marijuana, na tinatayang nasa mahigit P220,000 ang halaga.

Nakumpiska ang droga sa mga suspek na sina kina Frederick Torres, isang dating pulis; Jay Angeles Nugid, 43; Jennifer Nugid, 27; Arlene Campos, 40, at Rona Tabuena, 19-anyos.

Ikinasa ang buy-bust operation ng PDEA3 – Pampanga Provincial Office at RSET, sa Nouveau Residence sa Barangay Pulong Cucutud. (JESSE KABEL)

75

Related posts

Leave a Comment