GUILTY SA PANANAKIT SA MISIS, NAGBIGTI

CAPIZ – Nagbigti ang isang mister dahil sa labis na pagdaramdam nang hindi pansinin ng kanyang misis ang paghingi niya ng paumanhin makaraang saktan ang ginang iniulat nitong Biyernes ng umaga sa probinsiyang ito.

Kinilala ang biktima si alyas Tata, 37-anyos, residente ng Barangay Mainit, Cuartero, Capiz.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Richard Franco, ng Cuartero PNP, natagpuan ang biktima habang nakabigti sa kusina ng kanilang bahay.

Ayon sa imbestigasyon, umuwing lasing ang biktima at tinawag ang kanyang misis para hainan siya ng pagkain.

Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang misis dahilan para batuhin ang ginang ng plastic na upuan.

Tinamaan sa mata ang misis kaya ang 7-anyos na lamang na anak ng mag-asawa ang naghain ng pagkain para sa ama.

Nang mawala ang kalasingan ng biktima, nilapitan niya ang ginang humingi ng pasensya ngunit hindi siya pinansin.

Kinaumagahan, nakita na lamang ng kanilang anak ang biktima habang nakabigti sa kusina.

Nakita rin sa tabi nito ang ‘suicide note’ ng biktima na nagsasaad ng paghingi ng tawad sa kanyang asawa. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment